|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Nilitis kahapon ng Cairo Criminal Court ng Ehipto ang kaso ni dating Pangulong Muhammed Hosni Mubarak, at siya ay hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.

Pagkatapos ng paglilitis, nagreklamo sa resulta ng paghatol ang ilang sitter-in at abugado na humihiling ng hatol na kamatayan kay Mubarak. Ipinahayag naman ng grupo ng mga abugado ni Mubarak na hindi nila susundin ang ganitong resulta, at ihaharap ang apela. Anila, may sapat na kompiyansa sila sa pagtagumpay ng apela.
Sa labas ng Police Academy ng Cairo, nagtipun-tipon dito nang araw ring iyon ang ilanlibong mamamayan bilang demonstrasyon. Bahagi sa kanila ang humihiling sa mas mahigpit na parusa kay Mubarak, at nagpahayag naman ang iba pa ng pagkatig o pakikiramay kay Mubarak.
Si Muhammed Hosni Mubarak ang unang pangulo na sapilitang bumaba sa posisyon at tumanggap ng paglilitis sa kasaysayan ng Ehipto. Ipinalalagay ng tagapag-analisa na ang kasalukuyang paglilitis ay magdudulot ng mas maraming di-matatag ng elemento sa ika-2 round ng botohan ng halalang pampanguluhan at pag-unlad ng kalagayang pulitikal ng Ehipto sa hinaharap.
Salin:Vera
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |