Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananatili pa rin ang mga administrative ships ng kanyang bansa sa karagatan ng Huangyan Islands para bantayan ang rehiyong ito, alinsunod sa pangangailangan ng pagpapatupad ng batas, at paglilingkod sa mga mangingisdang Tsino. Dagdag niya, sa kasalukuyan, normal ang gawain ng mga bapor pangisda ng Tsina sa loob ng lagoon ng Huangyan Island.
Winika ito ni Liu kaugnay ng ulat ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na nagsasabing lumabas na mula sa lagoon ng Huangyan Island ang mga administrative ships ng kapwa Pilipinas at Tsina.
Bilang tugon naman sa tanong kung isasaalang-alang ng Tsina na patuloy na ideploy ang mga administrative ships sa Huangyan Island, pagkaraang mapahupa ang tensyon doon, sinabi ng tagapagsalita na ginagawa ng Tsina at Pilipinas ang direktang talastasan hinggil sa maayos na paglutas sa kasalukuyang insidente.
Salin: Liu Kai