Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Pilipinas, may pag-Uugnayan tungkol sa Huangyan Island o Bajo de Masinloc

(GMT+08:00) 2012-06-06 18:57:41       CRI

TSINA AT PILIPINAS, MAY PAG-UUGNAYAN TUNGKOL SA HUANGYAN ISLAND O BAJO DE MASINLOC

IPINALIWANAG ni Ginoong Liu Weimin, tagapagsalita ng Ministri ng Ugnayang Panglabas ng Tsina na ipinadala ng pamahalaang Tsino ang mga barko sa karagatan ng Huangyan Island at tumatalima sa mga kautusan ng tanggapan nito tulad ng law enforcement, management at tumutugon sa pangangailangan ng nasa lugar.

Mayroon namang namamagitang komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina tungkol sa maayos na patatapos ng situwasyon.

Nalamang wala nang sasakyang dagat ang Pilipinas sa look ng Huangyan Island o Bajo de Masinloc. Tuloy pa rin ang operasyon ng mga bangkang pangisda.

PANGULONG AQUINO, ISUSULONG ANG MAINIT NA RELASYON SA AMERICA SA KANYANG PAGDALAW

HIGIT na palalakasin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mainit na relasyong namamagitan sa Pilipinas at Estados Unidos sa kanyang pagdalaw sa Washington. Nakatakda siyang dumating ganap na ika-walo ng gabi sa Washington para sa tatlong araw na pagdalaw. Ang paglalakbay na ito'y katatagpuan ng pakikipagpulong kay Pangulong Obama at iba pang mga matataas na opisyal ng Amerika.

Ito ang nabatid sa balitang mula sa Embahada ng Pilipinas sa Washington.

Darating si Pangulong Aquino sa Andrews Air Base sakay ng Philippine Air Lines Flight 001 mula sa London.

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose L. Cuisia, Jr, ang pulong sa pag-itan ng dalawang pangulo ang kauna-unahan sa White House. Ito ang magiging basehan para sa kinabukasan ng tinaguriang "strategic partnership" sa pag-itan ng dalawang bansa. Ani Ginoong Cuisia, pagkakataon na rin ito upang magpalitan ng mga pananaw sa pandaigdigan at pangrehiyong pangyayari na mahalaga sa kanilang dalawa.

Ipararating din ni Pangulong Obama ang kanyang interes sa pananaw ni Pangulong Aquino para sa Pilipinas at sa kanyang "development agenda."

Makakaharap din ni Pangulong Aquino si Secretary of State Hillary Clinton. Magiging panauhin din siya sa paglulunsad ng United States-Philippines Society. Makakausap din niya sina Senador Daniel K. Inouye, William Than Cochran, John f. Kerry at Richard G. Lugar.

176 NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NAILIGTAS

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Naval Intelligence and Security Force, Navy Patrol Gunboat 482 ng Naval Forces Mindanao at intelligence operatives ng Air Force at Army mga alas-onse ng gabi noong Lunes ang isang lantsang may panagalang Kadzrina may limang nautical miles o pitong kilometro malapit sa Barangay Ayala, Zamboanga City at patungong Sandakan, Malaysia.

Ayon kay Marine Lt. Col. Omar Tonsay, taga-pagsalita ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, sa ulat na nakarating kay Vice Admiral Alexander P. Pama, flag-officer-in-command, may 184 katao ang pasahero ng lantsa. Walang mga kaukulang dokumento ang mga pasahero na kinabibilangan ng 120 kalalakihan na ipinadala sa Department of Social Welfare and Development at 56 na kababaihan na ipinadala sa Visayan Forum Foundation upang makuha ang mahahalagang impormasyon.

Walo ang umalis sa DSWD ng walang pahintulot samantalang isinasagawa ang pagsisiyasat. May ilan sa mga biktima ang maituturing na menor de edad.

May 19 na tripulante ang M/L Kadzrina at nasa Majini Pier upang masiyasat ng Sea-Based Anti-Trafficking Force ng Kagawaran ng Katarungan.

MGA MAGSASAKAN, UMAASANG MAY MAGAGANAP NA MAGANDA SA BIYERNES

IBA'T IBANG grupo ng mga magsasaka ang umaasang tutugunan ng pamahalaan ang kanilang mga kahilingan sa pagpupulong na nakatakdang gawin sa Palasyo Malacanang sa Biyernes, ika-walo ng Hunyo.

Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi nina Romeo Olaes na nagkampo na sila sa harapan ng punong tanggapan ng Kagawaran ng Repormang Agraryo sa Quezon City upang pakiusapan ang tanggapan na desisyunan na ang kanilang usapin. Matagal na umano silang naghihintay ng "disturbance compensation" mula sa pamahalaan matapos magdesisyon na isang industrial estate na ang kanilang bukirin na pag-aari ng Pamilya Yulo noong dekada nobenta. Hindi na umano sila pinapayagang magsaka kaya naghihintay na lamang sila ng kabayaran.

Samantala, nagulat sina Lina Martinez at Felicidad Paulme ng Cavite nang malaman nilang mayroon na palang Certificate of Land Ownership Award na nailabas noong 1993 sa kanilang pangalan. Ang ikinagulat nila ay kamakailan lamang nila nabatid na lumabas na ang dokumento na hindi naman nakarating sa kanilang kaalaman, Hinahabol nila sa pamahalaan na mapasakanila ang lupaing binabanggit sa CLOA upang matamnan at pakinabangan.

Nanawagan naman si Arnel Figueroa ng Coron, Palawan na itigil na ang panununog sa mga tahanan ng mga magsasaka sa Yulo King Ranch na binawi ng pamahalaan mula sa Pamilya Yulo noong maluklok si Pangulong Corazon C. Aquino noong dekada 80. Mga security guard ng Bureau of Animal Industry ang itinuturong may kinalaman sa panununog.

Ayon kina Mamerto Dumayas at Teodulo Galacio, dapat panindigan ng pamahalaan ang pangako nito sa repormang argaryo. Ipinagtataka nila kung bakit nagtatagal ang mga usapin bago desisyunan ng ahensya ng pamahalaan. Ipinagtataka rin nila ang paglalabas ng Temporary Restraining Order ng mga Regional Trial Court sa mga usaping agraryo.

Isang pagpupulong ang idaraos sa pag-itan ng pamahalaan, simbahan at mga magsasaka sa Palasyo Malacanang sa Biyernes. Dadalo sa pulong ang ilang cabinet secretaries na hingi kasama sa paglalakbay ni Pangulong Aquino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>