Sinabi kahapon ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na titigil sa katubigan ng Huangyan Island o Scarborough Shoal ang mga surveillance ship ng Tsina para magkaloob ng serbisyo sa mga fishing boat at mangingisda doon.
Sinabi pa ni Liu na sa kasalukuyan, maayos ang normal na paggawa ng mga Chinese fishing boat sa lagoon ng Huangyan Island.
Inulit ni Liu na iginigiit ng panig Tsino ang paglutas ng mga may kinalamang insidente sa pamamagitan ng paraang diplomatiko at umaasa aniya siyang hindi gagamitin ng Pilipinas ang mga aksyon ng probokasyon.