Sa kanyang inihandog na bangkete kahapon para kay dumadalaw na Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas, ipinahayag ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na walang-kinakampihan ang kanyang bansa sa hidwaang panteritoryo sa South China Sea, at ini-eenkorahe nito ang paglutas sa isyu ng Huangyan Island sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal.
Pagkatapos nito, nag-usap sa White House sina Aquino at Pangulong Barack Obama ng E.U.. Inulit nila ang pangako sa pagpapalakas ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at E.U..