Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Cui Tiankai, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na umaasa siyang sa darating na G20 Summit, ipapakita ng mga kalahok na bansa ang diwa ng kooperasyon at pagkaibigan, at buong sikap na pasusulungin ang paglaki at pagtatatag ng kabuhayang pandaigdig.
Ang ika-7 G20 Summti ay idaraos sa Mexico mula ika-18 hanggang ika-19 ng buwang ito at dadalo sa summit si Pangulong Hu Jintao ng Tsina. Ayon sa salaysay, tatalakayin ng mga kahalok na bansa ang hinggil sa kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, sistemang pinansiyal, negosyo at hanap-buhay.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Cui na inaasahan ng Tsina na mapapasulong ng summit ang malusog na pag-unlad ng negosyo, tututulan ang trade protectionism, at matutulungan ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa.