"Dapat ipagpatuloy ang pangmatagalang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, para makatarungang malutas ang lahat ng mga problema ng dalawang bansa." Ito ang ipinahayag kamakailan ni Jejomar Binay, Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa isang pagtitipon bilang pagdiriwang sa ika-37 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at Araw ng Pagkakaibigan, na inihandog ng organisasyong Tsino sa lokalidad.
Idinagdag pa niya, na kasabay ng pag-unlad ng kooperasyong pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas, dapat mapalakas ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng paggagalugad ng panibagong uri ng pagtutulungan.