Nang kapanayamin kamakailan ng China Radio International (CRI) si Jonas Tortuga Suizo, opisyal ng punong himpilan ng Hukbong Ktihan ng Pilipinas, sinabi niyang, sa kanyang palagay, hindi aabot sa lebel ng "sagupaan" ang insidente ng Huangyan Island, at umaasa siyang mapayapang malulutas ang insidenteng ito.
Dagdag pa niya, sa isyu ng Huangyan Island, tinutupad ng panig militar ng Pilipinas ang mga kautusan mula sa pamahalaan. Ipinalalagay niya na madalasang nagaganap ang mga di-pagkakaunawaan sa mga magkapitbansa, ngunit maaaring malutas ang mga ito sa mapayapang paraan.
Salin: Li Feng