|
||||||||
|
||
Idinaos kagabi sa Manila ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI) at ibang mga grupong Tsino sa Pilipinas ang ika-37 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, at ang Panlabing isang anibersaryo ng Araw ng Pagkaibigan ng dalawang bansa.
Sa aktibidad na ito, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III, na dapat mapalalim ng Pilipinas at Tsina ang kooperasyon at hanapin ang mapayapang plano sa paglutas ng mga hidwaan ng dalawang panig.
Sinabi naman ni Embahador Ma Keqing ng Tsina, na buong sikap na pinasusulong ng kanyang bansa ang usaping pangkaibigan sa Pilipinas. Binigyang-diin niya na iginigiit ng panig Tsino ang paglutas ng mga hidwaan ng dalawang bansa sa diplomatikong paraan.
Sinabi pa ni Pangulong Aquino na nagbibigay ang mga grupong Tsino ng malalaking ambag para sa pambansang kabuhayan.
Pinapurihan din ni Ma ang ambag ng mga grupong Tsino sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |