Ipinatalastas ngayong araw sa Xiamen ng Tsina ni Wang Yi, Direkto ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina at Tanggapan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga suliranin ng Taiwan, ang mga hakbangin para pahigpitin ang relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.
Ang naturang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagluluwag ng limitasyon sa hanap-buhay ng mga residente ng Taiwan sa Mainland China, pagbubukas ng pag-aangkat ng mga bigas mula sa Taiwan, pagpapasulong ng paglalakbay sa Taiwan at pagbibigay-tulong sa takbo ng mga bahay-kalakal ng Taiwan sa Mainland China.