Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Syria, maayos na hinahawakan ang insidente ng "pagkabagsak" ng fighter plane ng Turkey

(GMT+08:00) 2012-06-24 17:14:35       CRI

Ipinahayag kahapon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Syria, na walang ostilong damdamin sa Turkey ang Syria, at maayos na nilulutas ang insidente ng "pagkabagsak" ng fighter plane ng Turkey sa loob ng bansa.

Sinabi ng naturang tagapagsalita na ang pagpapabagsak ng tropang Syrian sa di-nakikilalang eroplano sa teritoryong panghimpapawid nito ay aksyong pandepensa sa pangangalaga sa soberanya ng bansa. Aniya, pinapanatili ng panig Syrian at Turkish ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, at magkasamang hinahanap ang mga nawawalang piloto.

Samantala, nagpalabas kahapon ng pahayag ang tagapan ng punong ministro ng Turkey na nagsasabing ang isang fighter plane ng bansa ay bumagsak kamakalawa sa rehiyong pandagat ng Syria dahil sa pagsalakay ng naturang bansa. Anang pahayag, sumusulong pa rin ang gawain ng paghahanap at pagliligtas sa dalawang piloto ng naturang eroplano. Pagkaraang linawin ang katotohanan, gagawa ang Turkey ng pinal na pahayag, at magsasagawa ng "kinakailangang hakbangin," dagdag ng pahayag.

Sa kabilang dako, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpahayag kahapon si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng UN ng pag-asang magtitimpi ang Turkey at Syria, para hawakan ang insidenteng ito sa paraang diplomatiko.

Ipinahayag naman kahapon ng Ministring Panlabas ng Iraq na ikinababahala ng panig Iraqi ang kalagayan ng Syria. Nag-aalala itong ang naturang insidente ay hahantong sa "grabeng paglala" ng krisis.

Salin: Vera

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>