|
||||||||
|
||
Hinimok dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Pilipinas na huwag pasidhiin ang paglala ng kalagayan sa South China Sea.
Sinabi ni Hong na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Island at rehiyong pandagat sa paligid nito. Tinututulan ng Tsina ang anumang ilegal na aksyong lumalapastangan sa soberanya nito, dagdag pa ni Hong.
Nang sagutin ang tanong kung umurong na ang mga bapor na Tsino mula sa Huangyan Island, sinabi ni Hong na humuhupa na ang maigting na kalagayan sa islang ito, at mananatiling nagmamatyag ang mga bapor ng pamahalaang Tsino sa paligid ng naturang isla.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |