|
||||||||
|
||
Sa isang proklamasyong ipinalabas kamakailan ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC), sinabi nito na binuksan sa labas ang 9 na bidding block sa karagatan ng South China Sea, para makipagkooperasyon sa mga dayuhang bahay-kalakal sa paggagalugad sa nasabing rehiyon.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na normal na kilos lamang ng mga bahay-kalakal na Tsino ang pagsasapubliko nila ng naturang 9 na oil at gas bidding block. Ito aniya ay angkop sa may kinalamang batas ng Tsina at normang pandaigdig.
Tinukoy pa ni Hong, na tungkol sa pagkakaiba at alitan sa South China Sea, hindi nagbabago ang paninindigan ng panig Tsino, at patuloy aniyang magsisikap ang bansa para maayos na malutas ang mga ito sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |