Sa European Summer Summit sa Brussels, Belgium---Ipinatalastas dito kahapon ni Herman Van Rompuy, Tagapangulo ng European Council, na nilagdaan ng mga kalahok ang isang plano hinggil sa pagpapasigla ng kabuhayan ng Europa. Ang planong ito aniya ay nagkakahalaga ng 120 bilyong Euro.
Sinabi ni Van Rompuy, na ang pagpapasulong ng kabuhayan ay ang pinakamahalagang tungkulin ng Unyong Europeo sa kasalukuyan.
Aniya, ipagpapatuloy ng iba't ibang panig ang talakayan hinggil sa mga kongkretong nilalaman ng naturang kasunduan, gaya ng isyu sa katatagang pinansyal ng Europa.