Idinaos kahapon sa Beijing ang isang pagtitipon, bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng normal na relasyong Sino-Hapones. Dumalo sa naturang aktibidad sina Jing Dunquan, Pangalawang Puno ng Samahang Pangkaibigan ng Tsina at Hapon, at Embahador Tanba Yuichiro ng Hapon sa Tsina, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng dalawang bansa.
Sinabi ni Jing na nitong 40 taong nakalipas, mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Hapon sa iba't ibang larangan, lalo na sa kabuhayan at kalakalan. Ang mga ito aniya'y hindi lamang angkop sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi sa pangangalaga rin sa katatagan ng bilateral na relasyon.
Sinabi naman ni Tanba Yuichiro na ang pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga tauhan ay ang tema sa mga aktibidad ng ika-40 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones. Kaya, idinaraos ng dalawang panig ang mga aktibidad hinggil dito sa kasalukuyang taon.