|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na napahupa na ngayon ang maigting na sitwasyon sa karagatan ng Huangyan Island. Aniya pa, umaasa siyang makakagawa ang Pilipinas ng mas maraming bagay na makakatulong sa pagpapahupa ng sitwasyon, at makakabuti sa pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Liu, na sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang pangkalahatang sitwasyon sa naturang karagatan. Kasabay ng paghupa ng maigting na sitwasyon, bumaba ang bilang ng mga public service ships ng panig Tsino.
"Ang Huangyan Island ay likas na teritoryo ng Tsina, at walang anumang kontrobersya ukol dito," dagdag pa ni Liu.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |