|
||||||||
|
||
Dumating ngayong araw sa ilang isla at shoals sa kalagitnaan ng Nansha Islands ang plota ng maritime surveillance ships ng Tsina, para magsagawa ng imbestigasyon, kumuha ng ebidensya, at mapangalagaan ang karapatan ng Tsina. Ang naturang plotang Tsino ay kasalukuyang nagsasagawa ng regular na pamamatrolya sa South China Sea.
Kaninang umaga, magkakasunod na isinagawa ng naturang plota ang imbestigasyon sa ilang isla at shoals sa silangan ng Nansha Islands.
Sapul nang magsimula ang paglalayag ng naturang plota, noong ika-26 ng nagdaang buwan sa Sanya, mahigit 2200 nautical mile ang ligtas na nailayag nito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |