Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Moro Leaders Assembly, nagsimula ngayon

(GMT+08:00) 2012-07-07 17:46:45       CRI

MORO LEADERS ASSEMBLY, NAGSIMULA NGAYON

INAASAHANG magmumula sa limang-daang libo hanggang isang milyon katao ang lalahok sa apat na araw na konsultasyon sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao. Ito ang sumunod na pagtitipon sa idinaos na konsultasyon noong Mayo 29-31, 2005.

Isang press conference ang ipatatawag ni Chairman Al Haj Murad sa darating na Lunes, ika-9 ng Hulyo.

Ayon sa balitang nagmula sa MILF, nagsalita sina Al Haj Murad, Ghazali Jaafar, first vice chairman at Ali Pangalian, second vice chairman ng samahan. Mayroon ding mga kinatawan mula sa Organization of the Islamic Conference at Malaysian Facilitator, His Excellency Dato Tengku Abd Ghaafar Tengku bin Mohamed. Nakatakda silang magsalita kaninang hapon.

May mga panauhin pa ring darating mula sa mga Embahada ng Japan, Indonesia, Saudi Arabia, Libya at Turket. Ang mga deputy chiefs of mission ng Indonesia at Libya ang dadalo.

Ipadadala ng Pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Kalihim Teresita Quintos-Deles ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, government chief peace negotiator Atty. Marvic Leonen at Major General Bernardo Ardo, 6th Division Commanding General.

Kasama sa mga magiging panauhin ang mga kasapi ng International Contact Group at International Monitoring Team. Darating din at lalahok ang kinatawan ng Geneva Call.

Sa hindi malamang dahilan, hindi lalahok sa pagtitipon si MNLF Chairman Nur Misuari.

MALACANANG UMAASANG UUSAD ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG KONSULTASYON NG MGA BANGSAMORO

SINABI ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na umaasa ang pamahalaang sa pagdaraos ng Bangsamoro general assembly mula sa araw na ito ay mapapadali ang paglagda sa kasunduang pangkapayapaan ng Moro Islamic Liberation Front.

Isang positibong hakbang ang nagaganap sa MILF upang makuha ang pag-sangayon ng mga Bangsamoro sa peace agreement.

Idinagdag pa ni Ginoong Lacierda na umaasa sila na magkakaroon ng paglagda sa kasunduan bago matapos ang Aquino administration sa 2016.

Noong 2005, may 900,000 mga Bangsamoro ang dumalo sa konsultasyon sa Darapanan upang pakinggan ang kalagayan ng usapang pangkapayapaan.

Nakikipaglabanan ang MILF sa pamahalaan sa nakalipas na 30 taon upang magkaroon ng self-rule sa Mindanao. Ayon sa mga pagsusuri mula sa 50,000 hanggang sa 60,000 katao na ang nasasawi sa nakalipas na tatlong dekada.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>