Sa Tokyo, Hapon---Pinagtibay dito kahapon ang "Deklarasyon ng Tokyo" sa isang pandaigdig na pulong para sa isyung may kinalaman sa rekonstruksyon ng Afghanistan.
Ayon sa naturang deklarasyon, bibigyan ng komunidad ng daigdig ang Afghanistan ng 16 bilyong dolyares na tulong bago ang taong 2015.
Samantala, hinimok din ng deklarasyon ang Afghanistan, na balangkasin ang agenda ng pambansang halalan sa taong 2015, bago ang taong 2014; pataasin ang kakayahang administratibo ng pamahalaan; ipatupad ang plano ng pagbibigay-tulong na itinakda ng IMF; pabutihin ang sistema ng pagkokolekta ng buwis; maayos na partehin at gamitin ang pondo, na para sa Millennium Development Goals.