"Inaasahan ng Tsina na lalo pang lalawak ang pangkaibigang pagpapalitang di-pampamahalaan, para ibayo pang mapasulong ang pagtutulungan ng Tsina at Vietnam." Ito ang ipinahayag kahapon ni Kong Xuanyou, Embahador ng Tsina sa Vietnam sa ika-5 Pambansang Pulong ng Samahan ng Pakikipagkaibigan ng Vietnam sa Tsina.
Sinabi ni Kong na nananatiling mainam ang kasalukuyang relasyong Sino-Byetnames. Aniya, ang pagpapalakas ng koordinasyon at kooperasyon ng Tsina at Vietnam ay hindi lamang angkop sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan nito.
Sinabi naman sa naturang pulong ni Nguyen Thien Nhan, Pangalawang Punong Ministro ng Vietnam, na positibo ang kanyang bansa sa pakikipagtulungan sa Tsina, at magsisikap ito para mapasulong pa ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.