|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sa Tehran, kabisera ng Iran-sinabi rito kahapon ni Walid Al-Moualem, Ministrong Panlabas ng Syria na labis na pinalaki ng mga media ng mga kanluraning bansa ang isyu ng chemical weapon sa Syria.
Pagkatapos ng kanyang pagkikipag-usap kay Ali Akabar Salehi, Ministrong Panlabas ng Iran, sinabi ni al-Moualem na palagiang tinututulan ng kanyang bansa ang paggamit ng chemical weapons at nakahanda itong magtayo ng isang rehiyong ligtas sa malawakang pamuksang sandata.
Sinabi naman ni Salehi na umaasa ang Iran na gagamitin ng ilang bansa ang matalino at tamang aksyon sa isyu ng Syria.
Dagdag pa niya, kung patuloy na makiki-alam ang naturang mga bansa sa mga suliraning panloob ng Syria, ito'y magdudulot ng malubhang resulta na makakaapekto sa iba't ibang may kinalamang panig.
Nauna rito, kinatagpo si Al-Moualem ni Pangulong Mahmoud Ahmadinejad. Umaasa aniya si Ahmadinejad na sa pamamagitan ng pagsisikap ng pamahalaan at buong lipunan, mapapanumbalik ang kapayapaan at katatagan ng Syria sa lalong madaling panahon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |