Nakipag-usap kamakailan sa telepono si Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa kanyang Italian counterpart na si Mario Monti, hinggil sa kalagayan ng Eurozone.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Georg Streiter, Pangalawang Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Alemanya, na nagkasundo ang dalawang bansa na agarang tupdin ang mga kasunduang narating sa Summer Summit ng Unyong Europeo noong Hunyo ng kasalukuyang taon, para mapangalagaan ang katatagan ng Eurozone.
Samanatala, tinanggap din ni Monti ang paanyaya ni Merkel, para dumalaw siya sa Berlin sa kalagitnaan ng Agusto ng taong ito.