Ayon sa ulat ng Lianhe Zaobao, kahit lumabas na sa teritoryo ng Pilipinas si Bagyong "Gener" na may internasyonal na code naman na "Saola", hindi pa rin humuhupa ang baha sa maraming bahagi ng bansa, at patuloy na lumalaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng nakahahawang sakit sa mga apektadong lugar. Hanggang sa kasalukuyan, di-kukulangin sa 23 katao ang namatay dahil sa naturang baha. Nagbabala naman ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas, na dahil hindi pa humuhupa ang baha, posibleng lumaganap ang sakit na Leptospirosis at magdulot ito ng mas maraming kasuwalti.
Salin: Andrea