Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN, idinaos ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag

(GMT+08:00) 2012-08-09 16:03:29       CRI

Kahapon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Idinaos sa Phnom Penh kahapon ng Kambodya, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, ang seremonya ng pagtataas ng watawat ng ASEAN at pulong bilang pagdiriwang sa okasyong ito.

Dumalo sa pulong si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, mga embahador sa Kambodya ng mga bansang ASEAN, mga embahador sa Kambodya ng mga kadiyalogong bansa ng ASEAN gaya ng Tsina, at mga mataas na opisyal ng Kambodya.

Ipinahayag ni Hun Sen, na pagkaraan ng 45 taong pag-unlad, natamo ng ASEAN ang maraming mahalagang bunga, at tumataas nang tumataas ang katayuan sa daigdig. Naging di-mababalewalang estratehikong partnership ito ng mga malaking bansa at mahalagang organisasyong pandaigdig. Noong nagdaang taon at kasalukuyang taon, malakiang lumaki ang kabuuang kabuhayan, lalong lalo na, ang halaga ng malayang kalakalan ng ASEAN, at ang ASEAN ay naging isang pinakamabilis na umuunlad na rehiyon.

Ayon pa kay Hun Sen, kinakaharap din ng ASEAN ang mga hamon. Aniya, ang taong ito ay mahalagang taon para sa pagpapatupad ng ASEAN Community. Dapat isa-isang-tabi ang pagkakaiba ng mga kasaping bansa ng ASEAN at palakasin ang kooperasyon, para mapasulong ang integrasyon. Nananalig aniya siyang may kakayahan ang ASEAN na magkaisa para maitatag ang isang mapayapa, masagana at maunlad ng rehiyon.

Sinabi naman ni Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na gumaganap ang ASEAN ng mas mahalagang papel sa mga suliraning pandaigdig, at itinatag na nito ang mahigpit na ugnayan sa buong komunidad ng daigdig. Aniya, para mapanatili ang namumunong papel, dapat magkaisa ang ASEAN para mapatupad ang target na itatag ang ASEAN Community sa taong 2015.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>