|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Sa Pilipinas, ang pag-ulan na tumatagal ng 11 araw ay nagdulot ng baha at naaapektuhan nito ang mahigit 1 milyong tao sa Manila at mga lugar sa paligid nito. Ang bahang ito ay naging pinakagrabeng baha sapul nang naganap ang bagyong Ketsana (Ondoy) noong Oktubre ng 2009.

Sinabi ng ilang opisyal ng pamahalaan na sa kasalukuyan, ang 60% ng mga lugar sa Manila ay nakalubog sa baha, samantalang sa labas ng lunsod, binaha rin ang maraming sakahan. Ang lugar ng mga illega settlers ang pinakagrabeng tumanggap ng pagkasira dulot ng pag-ulan.
Salin:Sarah
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |