|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pormal na tinanggap kagabi, local time, ni Mohammed Ali Salim, Ispiker ng Pambansang Asamblea ng Libya, ang paglilipat ng kapangyarihan mula sa Pambansang Komisyong Transisyonal. Mahigit isang taong hinawakan ng komisyong ito ang kapangyarihan sa bansa, at dahil sa naturang paglilipat, agaran itong nabuwag.

Nagtalumpati ang Tagapangulo ng Pambansang Komisyong Transisyonal sa seremonya ng paglilipat ng kapangyarihan
Ayon sa salaysay, idaraos ngayong araw ang unang sesyong plenaryo ng pambansang asamblea, at mahahalal sa pulong ang isang ispiker at dalawang pangalawang ispiker. Sa loob ng 30 araw pagkatapos ng naturang pulong, inonominate ng pambansang asamblea ang lider ng bagong pamahalaan.
Nauna rito, sa kanyang TV speech kamakailan, ipinatalastas ni Mahmoud Jibril, Tagapangulo ng National Forces Alliance o NFA na nagtagumpay sa halalan ng pambansang asamblea, ang plano ng NFA hinggil sa pagbuo ng bagong pamahalaan ng Libya at pagrereporma.
Salin:Vera
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |