|
||||||||
|
||
Ang lindol na may lakas na 6.2 sa Richter scale na naganap sa probinsyang Silangang Azarbaijian ng Iran, ay ikinamatay na ng higit sa 250 na tao na ikinasugat ng humigit-kumulang na 2000 na tao. Maaaring tataas pa ang bilang ng biktima.
Ayon sa ulat ng Iranian Rea Crescent, naninirahan ang labing-anim na libong tao sa isang istadyum sa nilindol na lugar at ibinigay nila sa mga nawalan ng bahay ang tatlong libong tolda, kumot at marami ibang relief supplies.
Matapos ang lindol, nakiramay si Mahmoud Ahmedinejad Pungulo ng Iran sa mga pamilya na naapektuhan ng lindol at humiling sa mga kinalamang kagawaran na tumulong sa mga biktima.
Salin: Chen Jingyang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |