|
||||||||
|
||
Noong ika-9 ng buwang ito, sinimulan ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina ang 4-araw na pagdalaw sa Indonesia, Brunei at Malaysia. Sa ika-2 araw ng kanyang biyahe, nakipagtagpo si Yang kay Pangulong Susilo Bambang Yodhoyono ng Indonesia, at nangulo, kasama ang kanyang Indonesian Counterpart na si Marty Natalegawa, sa ika-2 pulong ng magkasanib na komisyon ng bilateral na kooperasyon ng dalawang pamahalaan. Pagkatapos ng pulong, ipinalabas ng kapuwa panig ang joint press release na nagpapakitang narating nila ang mahalagang komong palagay sa isang serye ng isyu.
Ipinahayag ni Gong Yingchun, Propesor ng China Foreign Affairs University, na ang Indonesia ay pinakapangunahing malaking bansa sa ASEAN. Nitong nakalipas na ilang taon, malaki ang natamong progreso ng relasyong Sino-Indonesian. Sa ilalim ng kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig, ang estratehikong kooperasyon ng Tsina at Indonesia ay nagpapakita, hindi lamang sa bilateral na antas, kundi rin sa aktibong kooperasyon sa mga mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Tinukoy naman ni Zhang Jiuhuan, dating Embahador ng Tsina sa Singapore at Thailand, na pagkatapos ng isang serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum noong nagdaang buwan, lumitaw ang opinyong publiko na may problema sa relasyon ng Tsina at ASEAN. Sa katotohanan, ang estratehikong partnership at dialogue relationship ng Tsina at ASEAN ay nakakapagpasulong sa pag-unlad ng relasyon ng kapuwa panig at bilateral na relasyon ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN.
Binigyang-diin ni Zhang na tinukoy ng naturang joint press release na "ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea ay komong responsibilidad ng mga bansa sa rehiyong ito", ang ganitong pahayag ay ginawa batay sa kasalukuyang kalagayan sa South China Sea.
Ayon naman kay Gong Yingchun, kahit ang Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea ay hindi isang dokumentong pambatas, dapat sundin ito ng lahat ng mga kinauukulang panig. Aniya, ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea ay hindi responsibilidad ng Tsina lamang, sa halip, ito ang komong reponsiblidad ng lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |