Ayon sa isang opisyal ng Kataas-taasang Komisyong Panseguridad ng Libya kahapon, ang mahigit 20 tagasuporta ni Omar Mouammer al Gaddafi, dating lider ng Libya, ay gumawa ng dalawang insidente ng pagsabog ng kotse na naganap kamakailan sa Tripoli, kabisera ng bansang ito. Hanggang sa ngayon, dinakip na ng awtoridad ang naturang mga tagasuporta ni Gaddafi.
Ayon pa sa nasabing komisyon ng Libya, maraming ebidensya ay nagpapakita na ang naturang mga kriminal ay may kinalaman sa isang serye ng insidente ng asasinasyon na naunang naganap.
Salin: Li Feng