Nakatakdang suriin ngayong araw ang panukalang bersyon ng Environmental Protection Law ng Tsina sa ika-28 pulong ng ika-11 Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Ayon sa naturang panukula, magkakaroon ng karapatan ang mga mamamayan na mag-aplay ng impormasyong pangkapaligiran mula sa may kinalamang sangay ng pamahalaan at departamento.
Opisyal na ipinatupad ang Environmental Protection Law noong 1989, at ito ang kauna-unahang pagsusog dito. Mula noong dekada 80, sunud-sunod na itinakda ng NPC ang Marine Environmental Protection Law, Water Law, Grassland Law, at iba pang mahigit 20 batas.
Salin: Andrea