Ipinahayag kahapon ni Surapong Thowijakchaikool, Ministrong Panlabas ng Thailand, na sa nakaraang taon, pinabuti ng Thailand ang kaugnayan at pinalakas ang pakikipagtulungan sa iba't ibang mga bansa.
Sinabi niya na sa pagharap sa usapin ng hangganan ng Thailand at Cambodia, ay mainam na hinawakan ng pamahalaan at ihiniwalay ang pakikipagtulungan ng kabuhayan at kalakalan sa Cambodia. Noong nakaraang taon, hindi umigting ang kalagayan sa hangganan ng dalawang bansa. Narating naman ng Thailand at Myanmar ang kasunduan para sa pagpapaunlad ng daungan at sonang industryal. Bukod dito, mas naging malapit din ang ugnayan ng Thailand sa Laos.
Ipinahayag ni Surapong na pinalalim din ang pakikipagtulungan ng Thailand at Tsina, Hapon at mga bansa sa ASEAN sa kalakalan, pamumuhunan at paglalakbay.
Salin: James