|
||||||||
|
||
"Sa tingin ko, sa proseso ng pagpapaunlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, dapat ipauna ang sumusunod na tatlong aspekto: una, itatag ang malayang sonang pangkalakalan sa mas mataas na antas, samantalang pinalalawak ang saklaw ng kalakalan ng kapuwa panig; ika-2, palawakin ang pamumuhunan ng magkabilang panig, lalung lalo na, malaki ang ekspektasyon ng ASEAN sa amin sa aspekto ng pamumuhunan, at nagugustuhan ng maraming bahay-kalakal ng Tsina na mamuhunan sa ASEAN; ika-3, isakatuparan ang pag-uugnayan ng imprastruktura at pasilitasyon ng kalakalan."
Nang mabanggit ang integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko, ani Chen,
"Kinakatigan ng Tsina ang integrasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya na kinabibilangan ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan. Pinakamaagang itinatag ng Tsina ang malayang sonang pangkalakalan nila ng ASEAN, at pagkatapos nito, itinatag ng Hapon, Timog Korea, India, New Zealand, at Australia ang ganitong sona sa ASEAN. Sa proseso ng integrasyong panrehiyon, iginigiit ng Tsina ang bukas na ideya. Ipinalalagay naming dapat katigan ang lahat ng mga hakbanging makakabuti sa integrasyon ng kabuhayan. Pero, ang gayong pagkatig ay dapat umayon sa kalagayan ng sariling bansa, yugto ng pag-unlad at kakayahang maisabalikat ng bansa. Bukod dito, hiniling din naming dapat gawing bukas ang pagtatalakayan hinggil sa iba't ibang modelo, at hindi dapat boykotin ang ika-3 panig."
Kaugnay ng isyu ng pagsapi ng Hong Kong sa Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, ipinalalagay ni Chen na ang pangyayaring ito ay makakapagpasulong sa kabuhayan ng ASEAN at integrasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |