|
||||||||
|
||
Ayon sa mass media ng Pilipinas, ipinahayag kahapon ng isang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), na nasa "standby status" ngayon ang PCG, at handa na ito na muling magpapadala ng bapor sa Huangyan Island, sa sandaling tumanggap ng kautusan.
Ipinahayag naman kamakailan ni Albert Del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na kung bubuti ang lagay ng panahon, ipapadala ng kanyang bansa ang mga bapor sa naturang karagatan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |