Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-10 anibersaryo ng pagsisimula ng konstruksyon ng CAFTA, kapansin-pansin ang bunga

(GMT+08:00) 2012-09-25 16:40:34       CRI
Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagsisimula ng konstruksyon ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA. Datapuwa't di-mabuti ang kasalukuyang kabuhayang pandaigdig, ang Tsina at ASEAN ay may kompinyansa sa kooperasyon sa hinaharap.

Noong 2002, nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang Kasunduan ng Tsina at ASEAN hinggil sa framework agreement ng komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan, at komprehensibong sinimulan ang konstruksyon ng CAFTA. Ito ay nagdulot ng maraming pagkakataong komersyal para sa mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN. Noong 2010, na itinatag ang CAFTA. Ang mga patakarang tulad ng pagbabawas ng taripa ng kalakalan ay nagduot ng aktuwal na benepisyo para sa pamumuhunan, kabuhayan at kalakalan sa loob ng rehiyong ito.

Sapul nang maitatag ang CAFTA, sa isang banda, ang mga paninda mula sa mga bansang ASEAN ay kinikilala na sa pamilihang Tsino; at sa kabilang banda naman, napapanatili ng mga niluluwas na panindang Tsino ang matatag na paglaki sa pamilihan ng ASEAN. Ipinahayag ni Zhao Xijun, Puno ng Guangxi Beibu Gulf Bank, na ang CAFTA ay nagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at pambihirang ito sa ilalim ng kasalukuyang pangkabuhayan kalagayang pandaigdig.

Sa magkasamang pagsisikap ng Tsina at ASEAN, noong nakaraang taon, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 362.85 bilyong dolyares. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging unang pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at sa halip ng Hapon, ang ASEAN ay naging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina.

Sa seremoniya ng pagbubukas ng ika-9 na CAExpo, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina na umaasa siyang patuloy na isasakatuparan at pabubutihin ng Tsina at ASEAN ang iba't ibang kasunduan ng CAFTA, at sa taong 2015, isasakatuparan ayon sa itinakdang iskedyuel ang target na ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig ay aabot sa 500 bilyong dolyares. At ang mga pamahalaan ng iba't ibang bansang ASEAN ay positibo sa pahayag ni Xi.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>