|
||||||||
|
||
Maraming turista sa Nanjing, lunsod sa silangang Tsina
Kasabay ng pagsisimula ng 8-araw na bakasyon para sa Mid-Autumn Festival at Pambansang Araw ng Tsina, nagiging masigla ang turismo ng bansa. Ayon sa estadistika, umabot kahapon sa mahigit 4 na milyon ang bilang ng mga turista sa 119 na pangunahing lugar na panturista ng Tsina. Ang bilang na ito ay lumaki ng mahigit 23% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Samantala, maraming tao ang pumiling sumakay ng tren para sa kanilang paglalakbay sa ibang lugar. Kamakalawa, inihatid ng mga daambakal ng Tsina ang 9.14 milyong pasahero. Ang bilang na ito ay bagong record high ng mga inihatid na pasahero ng mga daambakal ng Tsina sa loob ng isang araw.
Bukod dito, medyo napahupa kahapon ang traffic jam sa mga haywey at pambansang lansangan sa iba't ibang lugar ng Tsina. Ayon sa pagmomonitor, maliwanag na lumiit kahapon ang bilang ng mga sasakyan sa mga haywey kaysa kamakalawa, pero ang bilang na ito ay mas malaki pa rin kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |