Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong tahanan, bagong pangarap

(GMT+08:00) 2012-10-02 17:40:54       CRI

MULA sa Barangay Digkilaan, may sampung kilometro mula sa puso ng Lungsod ng Iligan, may 320 pamilya ang tumanggap ng kanilang bagong tahanan kaninang umaga mula sa Philippine Red Cross, Qatari Red Crescent at Australian AID.

Dito sa tinaguriang Red Cross Village, nagsama-sama ang mga nawalan ng tahanan dala ng matinding pagbaha dala ng bagyong Sendong noong nakalipas na Disyembre.

BAGONG TAHANAN PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG SENDONG. Ang mag-asawang Aladdin at Jubilee Gabonada ay kabilang sa mga nakatanggap ng tahanan mula sa Philippine Red Cross, Qatari Red Crescent Society, AUSAid at Philippine Institute of Civil Engineers. Ang isang ektaryang pinagtayuan ng mga tahanan ay pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Iligan.

Para kay Aladdin Gabonada, isang tsuper ng pampasaherong sasakyan, hindi niya malilmot ang pagragasa ng bahang dulot ni Sendong sapagkat nawala ang kanyang tahanan at mga kagamitan. Isa si Aladdin sa mga nabiktima sa Barangay Upper Hinaplanon.

Bagama't nakatanggap ng temporary shelter mula sa mga NGOs na itinayo sa tabi ng kanyang dating tahanan, magsisimula na naman sila ng kanyang maybahay na mag-ipon ng mga bagong kagamitan.

Inamin ni Aladdin na mahihirapan siya sa paglalakbay patungong Iligan sa layong sampung kilometro mula sa lungsod, mayroon namang masasakyang mga habal-bahal (motorsiklong nilalagyan ng kahoy upang makasakay ang hanggang sampu katao.

Sinabi ni Jubilee, maybahay ni Aladdin, masaya na siya pagkakaroon ng bagong bahay na ligtas sa anumang baha. Kahit pa salat sa kagamitang pagtahanan, banaag sa mag-asawang may apat na supling.

Sinabi naman ni Flordeliza Magno na taga Barangay Bombonon, mas mabuting nabigyan siya ng bagong tahanan para sa kanya at sa kanyang apat na anak. Wala umanong natira sa kanyang bahay noong bumaha noong Disyembre 2011.

Hiwalay sa kanyang mister may limang taon na ang nakalipas, tanging pamamasukan ang kanyang hanapbuhay at napapagkasya na niya ang kanyang kinikita.

Tinaguriang transitional shelters, ang mga nasalanta ni Sendong ay maaari nang makapagsimulang muli.

Ayon kay Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon, unti-unti nang bumabalik ang pag-asa sa mga naging biktima at nababalik na sa normal ang kanilang buhay.

Karamihan sa mga nakapanayam ng CBCP OnLine Radio ay nagsabing nais pa rin. Ilang manirahan sa dati nilang tahanan sapagkat mas malapit sa pagkakakitaan. Kagabi lamang lumipat ang karamihan sa kanila upang huwag maibigay sa iba ang mga tahanan ito.

PAGTUTULUNGAN NG QATARI RED CRESCENT SOCIETY AT PHILIPPINE RED CROSS TIYAK NA. Ipinangako ni Qatari Red Crescent Society Secretary General Saleh Al Mohannadi (nakaputi) na magpapatuloy ang pagtutulungan ng dalawang samahan sa ngalan ng pagkakaisa. Maganda ang mga proyekto ng Pilipinas na nararapat lamang suportahan, dagdag pa ni Ginoong Saleh.

Nagkakahalaga ng P 25.6 milyon, natapos ang pabahay sa loob ng tatlong buwan sa tulong ng Qatar Red Crescent Society na nabigay ng 250 tahanan. Nag-ambag din ang Australian Agency for International Development (AUSAID) ng 50 tahanan samantalng nagbigay din ang Philippine Institute of Civil Engineers.

Nagtulong-tulong din ang tatlong ahensya upang magbigay ng starter kits na binubuo ng mga gamit sa kusina at tahanan na nagkakahalaga ng P 1 milyon.

Mayroon pang higit sa 1,200 mga transitional shelters na ginastusan ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies ang itinatayo para sa mga biktima ni Sendong sa Iligan City. Nagbigay na rin sila ng starter kits sa 1,000 pamilya.

May palikuran ang bawat tahanan at may sukat na 25 metro kwadrado ang mga tahanang nasa isang ektaryang lupang ipinagkaloob ng pamahalaang lokal ng Iligan.

Mayroong sapat na pagkukunan ng tubig at may kuryente ang tinaguriang Red Cross Village. Ang Department of Social Welfare and Development ang pumili ng mga beneficiaries.

Dumalo sa pagtitipon sina Secretary General Gwendolyn Pang, QRCS Secretary General Saleh Al Mohannadi at mga taga Philippine Re Cross, PICE at pamahalaang lokal.

MARAMI PANG BIKTIMA NG SENDONG ANG NANGANGAILANGAN NG TULONG

MGA PABAHAY IPINAGPASALAMAT. Nagpasalamat si Vice Mayor Henry Dy sa mga tumulong na magkabahay ang mga nasalanta ni Sendong. Pinapurihan niya ang Philippine Red Cross, ang Catholic Relief Services at Diocese of Iligan at GMA Foundation sa pagtatayo ng mga tahanan.

AABOT sa halos walong libong pamilya ang kailangang bigyan ng pabahay upang maiwasan ang sakuna kung sakaling magkabahang muli si Iligan City.

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Henry C. Dy na may iba't ibang non-government organizations ang tumulong sa mga nasalanta. Pinapurihan niya ang Philippine Red Cross, ang Catholic Relief Services at GMA Kapuso Foundation.

Ayon kay Ginoong Dy, problema nila ang lupang ibibigay sa mga nasalanta sapagkat 10% lang sa kanilang total lang area ang kapatagan.

Maaaring makapagsaka ang naninirahan sa Red Cross Village, dagdag ni Ginoong Dy.

Hindi na nila papayagang magtayo ng tahanan ang mga taga Iligan sa mapanganib na pook, dagdag pa ni Vice Mayor Dy.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>