
Sa Kanagawa, Hapon---Idinaos kamakailan ang parade ng hukbong pandagat ng Hapon, na nilahukan ng 45 bapor pandigma, 18 eroplanong panagupa, at 8000 sundalo.
Sa kanyang talumpati sa parada, sinabi ni Punong Ministro Yashihiko Noda ng Hapon, na isinasabalikat ng tropang Hapones ang tungkulin para sa pangangalaga sa seguridad ng bansa. Ipinahayag pa niya na pinapahigpit ng Hapon sa kasalukuyan, ang pakikipagkooperasyong militar nito sa Estados Unidos.
Pero, ipinahayag naman ng media ng Hapon, na ang mga labis na matigas na pananalita ni Noda ay hindi makakabuti sa kasalukuyang maigting na relasyon sa mga kapitbansa, na kinabibilangan ng Tsina at Timog Korea.