Sa Xiamen, Tsina—binuksan dito kahapon ang simposyum ng Tsina at ASEAN hinggil sa kapaligirang pandagat at teknolohiya ng pagsusuperbisa sa South China Sea. Lumahok sa simposyum ang mahigit 70 opisyal, dalubhansa at iskolar mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN.
Sa naturang simposyum, tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa teknolohiya ng pagsusuperbisa at pagtasa sa kapaligirang ekolohikal ng South China Sea. Inaasahang mararating nila ang komong palagay sa mga aspektong gaya ng pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa teknolohiyang pandagat, pagpapasulong ng pagpapalitan sa pagsusuperbisa sa dagat at teknolohiya, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa South China Sea, paglikha ng may-harmonyang kapaligiran ng rehiyon ng karagatang ito, at iba pa.
Salin: Vera