Sa ika-8 ng susunod na buwan, gaganapin sa Beijing ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nang kapanayamin ng China Radio International (CRI), ipinahayag ng mga lider ng mga kasaping partido ng Malaysian National Front (BN), na may mahigpit na kaugnayan ang mga natamong tagumpay ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at konstruksyong panlipunan nitong 10 taong nakalipas, sa pamumuno ng CPC.
Ipinalalagay nina Tengku Adnan bin Tengku Mansur, Pangkalahatang Kalihim ng United Malays National Organization, at Chua Soi Lek, Tagapangulo ng Malaysian Chinese Association, na ipagpapatuloy ng bagong liderato ng CPC ang kasalukuyang patakaran, at patuloy anilang uunlad ang relasyong pangkaibigan ng sirkulong pulitikal ng Malaysia, sa pamahalaang Tsino, at CPC.
Salin: Li Feng