Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, malaki ang pagpapahalaga sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2012-10-20 15:20:39       CRI

NAG-UUGAT sa tradisyon ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang relasyon ng Tsina at Pilipinas. Ito ang binanggit ni Vice Foreign Minister Fu Ying sa kanyang pagdalaw sa Malacanang upang makadaupang-palad si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kahapon.

Ipinaabot ni Minister Fu ang pagbati at mensahe mula sa mga pinuno ng Tsina na nasa Beijing. Ayon sa dumadalaw na opisyal, mahalaga ang Pilipinas sa Tsina lalo't may kinalaman sa pagiging mabuting kalapit-bansa, kasama na ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

Binigyan diin ni Vice Minister Fu na ang magkabilang panig ay nararapat na tumugon sa mahahalagang isyu at magtulungan upang yumabong ang maganda at matatag na relasyon ng Pilipinas at Tsina, upang pakinabangan ng mga mamamayan.

Positibo ang kinahinatnan ng 18th Foreign Ministry Consultations at ipinarating na dumalaw na diplomata ang pangako ng Tsina na palakasin ang pakikipag-usap sa panig ng Pilipinas upang matupad at magkatotoo ang mga kasunduang narating ng magpulong sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III noong nakalipas na taon. Kabilang sa kanilang napagkasunduan ang pagdaragdag ng pagpapalitan ng mga mamamayan at pagsusulong ng kooperasyon na madali ang pagbabalik ng magandang relasyon.

Ipinagpasalamat naman ni Pangulong Aquino ang pagdalaw ni Vice Minister Fu. Ipinarating din niya ang mainit na pagbati sa mga pinuno ng Tsina at kinilala ang positibong kinahinatnan ng Foreign Minister Consultations. Ani Pangulong Aquino ang Tsina at Pilipinas ay kapwa umuunlad ng mga bansa kaya't nangangailangan ng pagpapaunlad ng mga ekonomiya ng dalawang bansa at maitaas ang kabuhayan ng mga mamamayan.

Ginunita ni Pangulong Aquino ang kanyang pagdalaw sa Tsina noong nakalipas na taon at kung paano siya namangha sa natamong kaunlaran ng bansa. Umaasa si Pangulong Aquino na mapapalakas ang komunikasyon at madaragdagan ang pag-unawa sa isa't isa tulad rin ng pagtitiwala at maisusulong ang maunlad na Philippines-China relations.

Sa panig ng Pilipinas, sinabi ni Pangulong Aquino na ang mga Pilipino ay rasonableng mga mamamayan. Layunin din ng Pilpinas na magkaroon ng mapayapa at matatag na rehiyon. Ani Pangulong Aquino mahalaga na itakda ang mga magagawang bagay sa relasyong namamagitan sa dalawang bansa at magkaroon ng kaukulang timetable upang matamo ang mga layuning ito.

Sumaksi sa pagpupulong sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Kalihim ng Ugnayang Panglabas Albert F. del Rosario, Interior and Local Government Secretary Manuel A. Roxas II, Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, DFA Assistant Secretary Ma. Theresa Lazaro. Kasama ni Vice Minister Fu Ying sina Chinese Ambassador to the Philippines Ma Keqing at Foreign Ministry Deputy Director General Hong Liang.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>