|
||||||||
|
||
Sa kanyang liham, ipinahayag ni Rida Samet, Tagapangulo ng Club ng mga tagapakinig sa Tunisia na ang darating na ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay isang mahalagang pulong na may kinalaman sa pag-unlad ng Tsina sa kinaharap. Nananalig siyang ang inihalal na 2270 kinatawan ng ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay tiyak na maaaring magbalangkas ng magandang blueprint para sa kinabukasan ng Tsina.
Sa kanyang mensahe sa website ng CRI, sinabi ni Abdel-Hamid Khrify, tagapakinig ng Morocco na ang mabilis at matatag na pag-unlad ng Tsina ay dala ng tumpak na pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina. Umaasa siyang ang rehiyon ng Arab ay magbibigay ng mas maraming pansin sa pag-unlad ng Tsina, at hiramin nito ang karanasan ng pangangasiwa ng Partidong Komunista ng Tsina para hanapin ang mabisang paraan ng pagsasakatuparan ng katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |