|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Hanoi ang ika-3 Pulong ng Magkasamang Pagbibigay-dagok sa Krimen ng Tsina at Biyetnam. Magkasamang nangulo sa pulong sina Meng Jianzhu, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, at ang kanyang counterpart na si Tran Dai Quang ng Biyetnam.
Sinabi ni Meng na sapul nang itatag noong 2008 ang mekanismo ng magkasamang pagbibigay-dagok ng mga Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina at Biyetnam, naging pangunahing tsanel ito at plataporma ng dalawang ministri para mapahigpit ang pagtitiwala sa isa't isa at magawa ang plano hinggil sa direksyon ng pagtutulungan. Aniya, malakas na pinasulong nito ang pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Dapat aniya aktibong tupdin ng dalawang panig ang komong palagay sa pulong at pataasin ang lebel ng pagtutulungan na may mutuwal na kapakanan, para magbigay ng bagong ambag sa pagpapasulong sa pangmatagalan, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.
Sinabi naman ni Tran Dai Quang na ang matagumpay na pagdaraos ng naturang pulong ay may mahalagang katuturan sa ibayo pang pagpapalalim sa kooperasyon sa pagsasagawa ng batas, at pagpapasulong sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |