Sinabi kahapon ni Julia Eileen Gillard, Punong Ministro ng Australia, na walang papanigan ang kanyang bansa sa sa alitan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea.
Sinimulan kahapon ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng Pilipinas ang kanyang pagdalaw sa Australia, at nag-usap sila ni Gillard. Ang isyu ng South China Sea ay isa sa mga mahalagang paksa ng kanyang biyahe. Sa kanilang pagtatagpo, ipinahayag ni Gillard ang paninindigan ng Australia sa isyung ito: ibig sabihin, hindi kakatig sa alinmang panig.
Salin: Vera