|
||||||||
|
||
Kahapon ng umaga, naganap ang isang suicide bombing attack sa isang simbahan sa Kaduna, hilagang Nigeria. Ang insidenteng ito ay ikinamatay ng di-kukulangin sa 8 katao, at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa.
Kinumpirma ni Yushau Shuaib, Tagapagsalita ng National Emergency Management Agency ng Nigeria, ang impormasyong ito. Aniya, hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon ang umamin na siyang may kagagawan ng naturang insidente.
Ayon pa sa ulat, pagkaganap ng pagsabog, nagsagawa ng ganting-sakalay sa mga Muslim ang ilang Kristiyano Pero ipinahayag naman ni Reuben Buhari, Tagapagsalita ng Gobernador ng Kaduna, na walang ganting-aksyon na nakakatuon sa naturang bombing attack. Aniya, puspusang igagarantiya ng mga tauhang panseguridad ang kaligtasan ng mga residente sa rehiyong ito.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |