Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang pagkalahok ng Laos sa WTO, magbibigay ng pagkakataon sa Tsina at ASEAN

(GMT+08:00) 2012-10-29 17:18:47       CRI
Noong ika-26 ng buwang ito, sa konseho na idinaos sa Geneva, Swizerland, opisyal na tinanggap ng World Trade Orgnization (WTO) ang Laos bilang ika-158 miyembro nito.

Ang pagkalahok ng Laos sa WTO ay magbibigay ng mahalaga at positibong epekto sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Laos. Unang-una, ang pagkalahok ng Laos sa WTO ay makakabuti sa mas malawak at mas malalim na pakikipagsanggot ng Laos sa proseso ng globalisasyon, at ito ay magbibigay ng positibong ambag sa pagsasakatuparan ng integrasyon ng ASEAN. Ikalawa, ito ay magpapataas ng kakayahang kompetetibo ng mga produkto ng Laos sa pamilihan ng daigdig. Ikatlo, ayon sa kinauukulang tadhana ng WTO, dapat pataasin ng Laos ang lebel nito ng pamamahala sa kalakalan. Ikaapat, maaaring umakit ang Laos ng mas maraming puhunang dayuhan. Ikalima, palalawakin ang saklaw ng pamilihan ng Laos. Ikaanim, ipagkakaloob ang mas maraming pagkakataon ng paghahanap-buhay ng mga mamamayan ng Laos.

Pagkatapos ng pagkalahok ng Laos sa WTO, tiyak na magsisikap ito para umabot sa pamantayan ng miyembro ng WTO. Dapat isagawa ng Laos ang market economy, pagbubukas sa labas, at isang serye ng patakaran sa kalakalan, pamumuhunan at iba pa. At pagkatapos ng pagkalahok sa WTO, dapat isagawa ng Laos ang pakikipagkooperasyon sa ibang 9 miyembro ng ASEAN batay sa pundasyong ito, at ito ay makakabuti sa konstruksyon ng economic community.

Ang Laos ay kapitbansa ng Tsina at may sarili nilang kahigtan ang dalawang bansa sa pagpapabuti ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Ang pagkalahok ng Laos sa WTO, ay hindi lamang magbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa pagkalahok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa pamilihan ng Laos sa framework ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, ito ay tiyak na makakalikha ng mabuting kondisyon para sa integrasyon ng panrehiyong kabuhayan at pagpapa-ginhawa ng kalakalan at pamumuhunan sa loob ng CAFTA.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>