|
||||||||
|
||
Sa Phnom Penh, Cambodia — Isang simposyum ang idinaos ngayong araw bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng paglagda sa "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea." Dumalo at bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Fu Ying, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, lubos na pinapurihan ni Fu ang katuturan at papel ng naturang deklarasyon. Ipinahayag niya na ito ay nagpapakita ng diwa ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagkakaibigan, pagkakaisa, at kooperasyon. Dagdag pa niya, dapat samanlatahin ng iba't ibang panig ang pagkakataon ng ika-10 anibersaryo ng paglagda sa deklarasyon, at dapat ding komprehensibo at mabisang isakatuparan ang deklarasyong ito, upang mapasulong ang pangmalayuang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Hor Namhong, Ministrong Panlabas ng Cambodia, na dapat panatilihin ng iba't ibang panig ang tunguhin ng diyalogo, at komprehensibo at mabisang isakatuparan ang nasabing deklarasyon. Dapat ding aniyang pasulungin ng iba't ibang panig ang pragmatikong kooperasyon sa SCS at magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon, upang makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng pag-unlad ng rehiyong Timog Silangang Asya.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |