Ayon sa ulat ngayong araw ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagpadala kamakailan ng mga mensahe sa departamentong ito ang mga partido ng mga bansang Aprikano bilang pagbati sa CPC sa pagdaraos nito ng ika-18 Pambansang Kongreso. Ayon pa rito, nagpahayag ng malaking pansin ang naturang mga partido sa kongresong ito.
Ayon pa rin sa naturang departamento, nitong mga taong nakalipas, maganda ang pagpapalitan ng CPC at mga partido ng mga bansang Aprikano.
Salin: Liu Kai