Sa Phnom Penh, Kambodya—ipininid dito kahapon ang simposyum bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pagkalagda ng Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea. Ipinahayag sa simposyum ni Soeung Rathchavy, Kalihim ng Estado ng Ministring Panlabas ng Kambodya, na kapuwa pinahahalagahan ng ASEAN at Tsina ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at nakahandang magsikap para rito, at komprehensibong ipatupad ang naturang deklarasyon.
Aniya, mahalagang mahalaga ang katuturan ng kasalukuyang simposyum para sa pagpapalitan at pag-uunawaan ng ASEAN at Tsina hinggil sa isyu ng South China Sea. Nanawagan ang simposyum sa iba't ibang kinauukulang panig na mahigpit na sundin ang deklarasyon, at pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at mapagkaibigang kooperasyon sa karagatang ito.
Salin: Vera