|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa Beijing ang 3-araw na ika-7 Sesyong Plenaryo ng ika-17 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Inilahad sa sesyon ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang ulat hinggil sa mga gawain ng Pulitburo ng CPC. Tinalakay at pinagtibay din sa sesyon ang ulat ng ika-17 Komite Sentral para sa ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, at ang rebisadong Konstitusyon ng CPC. Ang dalawang dokumentong ito ay isusumite sa ika-18 Pambansang Kongreso.
Binigyan ng positibong pagtasa ng mga kalahok sa sesyon ang mga gawain ng Pulitburo, at nilagom ang mga gawain ng CPC sapul noong ika-17 Pambansang Kongreso na idinaos 5 taon na ang nakaraan. Inanalisa rin sa sesyon ang kasalukuyang kalagayan at mga tungkulin ng CPC, tinalakay ang mga mahalagang isyu na gaya ng ibayo pang pagpapaunlad ng sosyalismong may katangiang Tsino, party build-up, at iba pa. Ginawa rin ang paghahanda para sa ika-18 Pambansang Kongreso.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |