Idinaos kamakailan sa Beijing ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang isang talakayang nilahukan ng mga personaheng hindi kabilang sa partido. Ito ay naglalayong kolektahin ang palagay at mungkahi ng iba't ibang partidong demokratiko, at mga non-party personages, hinggil sa idaraos na ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Sa talakayang ito, iniharap ng naturang mga personahe ang mga palagay at mungkahi sa mga aspekto ng pagsasakatuparan ng matatag na paglaki ng kabuhayan, pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagpapabuti ng sistema ng kooperasyong multi-partido at konsultasyong pulitikal sa ilalim ng pamumuno ng CPC, pagpapalakas ng paglaban sa korupsyon sa pamamagitan ng sistema, at iba pa.
Salin: Liu Kai